Mga nagaganap na pangyayari o events sa I.I.A

Home >Tungkol sa I.I.A >Mga events sa I.I.A.

Ipakikilala namin sa inyo ang mga events na idinaraos sa Ibaraki Prefecture I.I.A. taon-taon.
Kapistahan ng International Exchange

International Exchange Plaza

Tuwing tag-lagas (Autumn) taun-taon, nagkakaroon ng Kokusai Kouryuu Hiroba o International Exchange Plaza sa dinaraos na Ibaraki Prefecture Residents’ Festival. Produkto ng mga ideya at kooperasyon ng mga International Exchange Private Groups sa loob ng prepektura, mga residenteng dayuhan ng Prepektura, mga Assistant Language Teachers (ALT) ng mga Wikang Banyaga, mga foreign students at ng mga volunteers ng asosasyong ito, nagdaragsaan ang mga tao sa bawa’t nagaganap na pangyayari o mga events, kung saan matitikman ang mga tradisyunal na putahe, maisusuot ang mga tradisyunal na damit (at iba pa) ng iba’t ibang bansa at lahi.
FUREAI Festival
Tuwing buwan ng Abril, sa plasa o kaya’y sa paligid ng MITSU NO MARU (lumang Munisipyo ng Prepektura) ng Ibaraki, kung sa ginaganap ang “DAISUKI IBARAKI FUREAI” Festival, ay sumasali ang exhibit booth ng asosasyong ito, ipinapakilala ang mga gawain nito (at iba pang mga bagay tungkol dito), at ginaganap din ang pagsukat ng mga tradisyunal na damit ng iba’t ibang bansa at lahi.
WORLD CARAVAN
 Ang mga dayuhang guro na nakatira sa loob ng prepekturang ito ay ipinadadala sa mga paaralan, grupo ng iba’t ibang events para ipakilala ang sarili nilang bansa upang palawakin ang internasyonal na pang-unawa sa kapwa-tao. Habang nakikinig sa kwento ng mga dayuhang guro, sumamang mag-caravan kasama ng mga bansa sa mundo, at palalimin ang pang-unawa sa kultura ng bawa’t bansa.
Foreign Students Ambassador of Goodwill ng Ibaraki-ken

Upang magkaroon ng pang-internasyonal na pakikihalubilo sa pagitan ng mga foreign students at ng mga lokal na residente ng Ibaraki at para magkaroon ng isang lugar na may malalim na pag-uunawaan sa isa’t isa, ang mga foreign students ay inatasang maging ambassadors of goodwill. Ang mga bagong ambassadors of goodwill ay ipinadadala sa mga events tulad ng WORLD CARAVAN at sa mga gawain sa mga paaralan at pang-internasyonal na pakikihalubilo sa loob ng Ibaraki Prefecture.

Isang araw na libreng konsulta sa abogado para sa mga dayuhan

 Nagdaraos ng libreng konsulta sa abogado sa Foreigner consultation center ng Tanggapang ng Asosasyon sa Mito City mula Lunes hanggang Biyernes dalawang beses isang buwan. Bukod dito, nagkakaroon din ng out of town na konsultasyon ng mga abogado isang beses isang taon (depende sa kaso).
Para sa detalye, pumunta po sa <Foreigner Consultation> at basahin po ang pahina tungkol sa Konsultasyon para sa mga Dayuhan. 

Nihongo Speech Contest para sa mga dayuhan

Ipinahahayag sa Wikang Hapon ng lahat ng mga dayuhang naninirahan sa Ibaraki, ang kaibahan ng karaniwang nararamdaman nila sa sariling bansa at sa bansang Hapon. Kung paano ipahihiwatig ang: “Bansang Hapon, mula sa panig ng isang dayuhan” ay isang pinananabikang event ng maraming manunood.


TOP