|
|
Panulukan para sa impormasyon (Information Corner) |
Home > Tungkol sa I.I.A. > Panulukan para sa impormasyon (Information Corner) |
|
ANG PAGHAHATID NG BALITA ( HIBARI ) SA IBARAKI |
Pagbubukas ng pang 27 pang-lokal na eksibisyon gawa sa kamay!
Ang “ Lokal na eksibisyon gawa sa kamay” ay nagpapakita ang kasanayan ng
mga artist sa pamamagitan ng mga ibat-ibang piraso.
Ibat-ibang mga atraksiyon ang binalak, tulad ng mga palabas ng mga artist,
pagpapakita at pagbebenta , mga klase ng mga gawa sa kamay, ang
pagpapakilala ng mga bagong piraso at ng guhit.
Oras: Mula sa Disyembre 5 ( Lunes) hanggang sa Disyembre 9 ( Biyernes)
10:00~16:00.
Lokasyon: Gusali ng Prefectural Government 2F Kenmin Hall
Mamamasid sa lobby ng prefektura ang Bagong Taon sa panahon (mula sa
Disyembre 29 ~ Enero 1)
Ang lobby sa pagmamasid ay matatagpuan sa pang 25 palapag bukas buong
piyesta ng Bagong Taon.
Oras: 10:00 ~ 20:00
Araw ng Bagong Taon : Ang lobby sa pagmamasid ay bubuksan simula 5:30upang
matunghayan and unang pagsikat ng araw ng taon.
Ang tinatayang sikat ng araw ay alas 6:49.
Kung ang palapag ng lobby ay puno, maaaring may paghihigpit sa pagpasok.
Mag ingat sa mandurukot.
Tuwing katapusan ng taon, ang krimen tulad ng nakawan, nakawan ng sasakyan,
mandurukot ay paniguro.
* Kung lalabas ng sasakyan, kahit na sa sandaling oras, maari po lamang na
susian ito, at huwag mag-iwan ng bagahe sa loob.
* Maari po lamang sa bitbitin ang inyong mga bag sa kabilang banda ng hindi
sa daan. |
|
 |
|
|
PASULONG NA NAGHAHATID NG INPORMASYON PARA SA BUWAN NG HULYO,SA PAGLILINGKOD AT PATNUBAY NG IBARAKI |
【Ang pang ika-9 na pagtatanghal ng Momij-Tsukuba-san sa (siyudad ng Tsukuba) 】
Magandang mapagmamasdan ang mga nagpupulahang mga dahon sa panahon mula sa unang sampung araw ng buwan hanggang kalagitnaan nito ng Tsukuba-san.Sabado, Linggo at Piyesta Opisyal ang operasyong pagsasagawa upang magamit ang serbisyo ng“ cable car” sa gabi..Labis na mapapansin ang kahali-halinang mapupulang dahon sa sinag ng mga ilaw.
Araw ng paguumpisa: Nobyembre ika 1 ( Martes) ~ ika-30 ( Miyerkules)
Ang operasyon sa gabi ng “cable car” ay Sabado,Linggo at Piyesta Opisyal ng
Nobyembre ala 5:00 ~ 8:00.
Lugar : Tsukuba-san , Tsukuba-san “cable car”-( operasyon sa gabi)
【Oarai -Pista ng ankou(bayan ng Oarai) 】
Ang layuning ipakilala, sa panahon ng tag-lamig sa Ibaraki ang lasa ng ( isdang ankou) luto at hinati-hati ,nilutong sabaw ng ankou,at mayroong 500 pagkaing ipamamahagi, at mga iba pang pagdiriwang ng maraming malakihang pista.
Araw : Nobyembre ng ika-20 ( Linggo)
Lugar : Oarai Marine Tower- sa bukas na ispasyo harapan ng damuhan
Parasa karagdagang inpormasyon, pumunta po sa aming Ibaraki Guide Website. Meron po sa wikang hapon, Karagdagan para sa Japanese, mayroon po kaming inpormasyon sa English,Hapon, at Korean sa website na ito
http://www.ibarakiguide.jp/ |
|
 |
|
Papaano gamitin ang “hoterasu” o Legal Support Center |
Sa Legal Support Center o “ hoterasu”, ang mga dayuhang nakatira sa bansang hapon ay maaaring dumaan sa mga sumusunod na serbisyo:
- Mga inpormasyon tungkol sa ibat-ibang paraan o kaparaanan upang lutasin ang mga legal na problema.
- Makakatulong sa mga taong mababa ang sahod (at sa mga may permiso na manirahan sa bansa),at posibleng ring humingi ng libreng payo sa abogado o kaya naman komunsulta sa abogado at ibigay ang kaukulang bayad sa takdang panahon na pinagusapan , at meron din na mga tagapagsalin ng wika kung kailangan.
- Bukod sa konsultasyon sa telepono, posible ring makipagkita ng personal ( ngunit sa salitang hapon lamang)
Japan Legal Support Center- Ibaraki-ken
Direksiyon :Ibaraki-ken,Mito-Shi Omachi 3-4-36 Omachi Biru 3rd floor
Telepono:0503383-5390 ( simpleng araw ?simula alas 9:00 a.m.~ 5:00 p.m.)
Tumawag-sakop ang buong bansa ng Hapon( Wikang hapones at English lamang)
: 0570-078374 ( simpleng araw- simula alas 9:00 a.m.~ 9:00 p.m./ tuwing sabado simula alas 9:00 a.m.~ 5p.m. )
|
|
 |
|
|
Iba’t ibang kultura kasama ang bagong lipunan |
Batay sa bansa at kultura nagkakaroon ng pagkakaiba sa kaugalian at nagkakaroon ng di pagkaka-unawaan sa isa’t isa. Kapag hindi ninyo alam ang mga ito, magtanong po kayo sa inyong mga kapitbahay o sa iba pa. Bukod dito, sa oras na may mangyaring kaguluhan, sumangguni po kayo sa mga taong mapagkakatiwalaan at maaasahan.
Dito, unti-unti naming ipapakilala sa inyo ang mga pahiwatig (hint) o mungkahing maaring gamitin sa pamumuhay sa bansang Hapon.
|
|
 |
|
Ang Panahon ng taglagas sa Japan
|
< Taglagas>
Sa mga galing ng ibat ibang bansa na walang apat na natatanging klase ng panahon ay maaring magtaka “ kung kailan nagsisimula o nagtatapos ang panahon ng taglagas sa Japan?”.Maraming kasagutan dito,pero karaniwan,nagsisimula ang panahon ng taglagas sa mga huling araw ng Septiyembre kung saan makakaramdam na ng papalamig hanggang mag Oktubre kung saan kinakailangang magsuot na ng medyo mainit na baro. Mga alas siyete na ng gabi kung saan duon pa lamang papalubog ang araw kapag tag-init at kung saan alas singko pa lamang ay madali ng dumilim sa panahon naman ng taglagas.Umpisa na rin ang papalamig na temperatura.,Mapapnsin ang mga pagbabago ng kulay ng mga dahon,mula berde nagiging kulay dilaw o pula.
Matatagpuan ang mga kagandahan ng mga dahon sa mga tabi ng bundok at ilog, at may mga ginagawang mga kasiyahan sa paligid kung saan makikita ang kagandahan ng mga kulay ng mga dahon sa taglagas.
Pinaka mahinahon at komportable ang panahon ng taglagas.Ang “panahon ng laro” at “ panahon ng sining” ay dinadaos rin tuwing taglagas kadalasan..Madalas din na ang mga paaralan ay naghahanda para sa nakatakdang ” araw ng laro” sa eskuwelahan okaya namay mga “festival ng kultura”.Umaani rin ng mga chestnuts,patatas,matsutake mushrooms,Japanese persimmons at mga klase ng isdang sa Japan lamang makikita tulad ng sanma atb. .Panahon ng anihan.at mga pagkain. maiksi man ang panahon ng taglagas marami ang mga ikakasiyang mga bagay.
< Festival sa panahon ng Taglagas>
Naiibigan ng mga hapones ang mga ganitong festival,napakarami rin namang mga klase ng kasiyahan ang ipinagdidiwang sa panahon na ito.Pasasalamat sa mga inani ang kadalasang ipinagdidiwang .Isa na rito ang mga kasayahang ginaganap sa mga parte ng mgabukirin.Sa Ibaraki isa sa mga ipinagdidiwangang Japanese Clover(Bulaklak ng Mito) Festival.. At makikita ito sa Kairakuen Park ng Mito simula Septiyembre 1 ~Septiyembre 22 sa panahon ng festival.Sa Buwan ng Octubre 16~Nobyembre 23 rin ang Festival ng Kasama Chrysanthemum nasa parting lugarnaman ng Kasama Inari Shrine.
<Moon viewing>
Ang isa sa mga importanteng kinamulatan ay ang ipinagdidiwang na Moon Viewing sa panahon ng taglagas.
Sa kasaysayan, ang kinasanayan na festival na ito ay nagmula pa sa China at ipinakilala sa Japan ng lumaon.
Sa lunar calendar, ang haba ng buwan sa kalendaryo ay pinatunayan at binase sa ibat-ibangpagbabago sa buwan.Ang buwan sa Agosto 15 ang pinaka maliwanag sa taon., at tumutukoy sa“ The Harvest Moon”. Sa araw na ito. ang mga tao ay nananalangin para sa masaganang ani, paggawa ng kaning malagkit,na nabibili ,gamit ang Japanese pampas grass ( ayon sa alamat,pinaniniwalaan na kung maglalagay ng Japanese pampas grass ,hindi ka magkakasakit sa loob ng isang taon.)Habang pinagmamasdan ang full moon, ang lahat ay kumakanta,umiinom ng Japanese sake o (rice wine) atbinibigyan ng kasiyahan ang mga sarili.
Pinaniniwalaan na ang susunod na pinakamagandang buwan ay lalabas pagkaraan ng isang buwan`,,sa lunar calendar sa Septiyembre 13,sa petsa na ito ,panahon ng taglagas ay ipinagdidiwang ang pasasalamat sa pag-ani.,bukod sa paggawa ng kaning malagkit,sa ibang panahon naman ipinagdidiwang ang pangalawang sinasabing Moon Viewing event.
Tandaan : Ang Moon Viewing ay nagbabago bawat taon.Ngayon taon ng 2010,ang mga araw ay sa Septiyembre 22 (Agosto 15 sa lunar calendar) at Octubre 20 (Septiyembre 13 sa lunar calendar).
Sa panahon ng taglagas kasama ang kinamulatang Moon Viewing ,kaya humanap ng inyong natatanging oras upang makita ang isang napaka gandang festival sa panahon ng taglagas
|
|
 |
Magkakasamang alamin para mabuhay nang nagkakapalagayang-loob (Komunikasyon) |
Una
Ang tamang pagbati : Dito sa bansang hapon bihirang gamitin ang halik at pag yakap sa pagbati,bagkos iyuko ang ulo bilang pagbati habang binibigkas
Ang『magandang umaga』『maraming salamat』『kinagagalak kitang makilala』 at ibp.
Pangalawa
Gumamit ng magalang at mahinahong pananalita. : Maiging mag-aral ng salitang hapon.Magandang gumamit ng mga magagalang na salita bilang respeto sa kausap.Iwasan ang mag taas ng boses o mag-salita ng malakas lalo na kung nasa publikong lugar.
Pangatlo
Makisama sa kapit-bahay : Dito sa bansang hapon mahirap pang makihalubilo sa mga kapit-bahay na mga hapones, hindi sila kaagad komportableng makipag-usap sa mga dayuhan.
Magbigay galang sa mga taong masasalubong.
Tiyaking sundin ang mga patakaran sa inyong tinitirhan ( may takdang oras at araw ang pagtapon ng basura at makipag- kooperasyon sa mga nahalal na mga miyembro ng inyong kinasasakupang lugar)
|
|
 |
TAMANG PAMAMARAAN SA HAPAG KAINAN |
Marami na rin sa ating mga pilipino ang naninirahan dito sa bansang hapon , at para na rin mabuksan ang ating kaalaman sa kanilang kultura pagdating sa hapag kainan narito ang mga ilang mga gabay na dapat nating tandaan.
1.Ang itadaki-masuat Gochisou-sama
Ang pinaka imporatanteng salita sa mga hapon na sinasabi “itadaki-masu” bago Kumain at “ gochisou-sama pagkatapos kumain.
2. Ang paggamit ng chopsticks
Ang pagpasa direkta ng pagkain gamit ang chopsticks sa chopsticks ay ibinabawal.Ang rason ito ay taboo na ibig sabihin ang labi o buto ng (cremated body)ay pinapasa ng isat-isa sa ganitong paraan..
3. Kung papaano kainin ang Pagkaing hapon
a. Ang paghawak ng tasa ng kanin o sabaw pataas malapit sa bibig ay isang tamang paraan ng pagkain dito sa hapon.Kung walang kutsarapara sa sabaw tama lamang hawakan ang tasa ng sabaw at inumin.
b. At kung kukuha ng pagkain sa malaking “serving dishes”, gamitin ang kabilang dulo ng inyong chopsticks upang makakuha ng pagkain kung walang nakalagay na pang serving dito at gamitin naman ang kabilang dulo ng chopsticks sa pagkain.
c. Tradisyon dito sa hapon ang makarinig ng tunog sa paghigop ng” noodles” o ramen.
d. Kung kakain tayo ng sushi, isawsaw sa maliit na platito ng toyo gamit ang kamay.
Ilan sa mga “table rules” na dapat tandaan
a.Ang pag-singa sa lugar publiko o harap kainan ay kinokunsider nating maling asal.
b.At kaugaliin din ang huwag mag-iwan ng pagkain sa plato.
c.Ang pag usapan ang mga salitang malaswa o nakakawalang gana sa pagkain Ay isa ring maling asal.
d. At kung tapos ng kumain ibalik sa parehong lagayan ang mga korbiyertos parehas kung papaano inilagay ang mga ito sa umpisa . |
|
 |
MGA PATAKARAN SA MGA PAARALAN DITO SA JAPAN |
Ang umpisa ng klase -Abril (April)at nagtatapos sa buwan ng Marso. Anim (6) na taon sa elementarya (edad 6~12), tatlong(3)taon sa junior high school (edad 12~15), tatlong(3) taon sa senior high school(edad 15~18). (obligasyon ng mga magulang na ipasok sa paaralan at pagtapusin ng elementarya at junior high school).Tungkol sa kolehiyo merong dalawang (2) taon sa vocational o trade courses at katulad sa Pilipinas mga kurso na apat (4) o mahigit na taon. Karagdagan impormasyon ay makukuha sa ibat-ibang unibersidad.
Partisipasyon at mga tungkulin ng mga magulang sa paaralan:
- (gakkou no setsumeikai) dumalo sa nakatakdang pagpupulong ng mga magulang sa paaralanbago magpasukan huwag kaligtaang dalhin ang papel impormasyon pangkalusugan para sa mag-aaral na inyong natanggap mula sa munisipyo. kung sakali naman na walang natanggap na kahit na anong impormasyon magsadya sa (kyouiku iinkai) departamento ng edukasyon sa inyong munisipyo.
- ( kyoukasho)libre ang mga libro na gagamitin mula elementary hanggang junior high school. Mga buwanang sinisingil ng eskuwelahan ay para sa pagkain apangaraw-araw (tanghalian) at asosasyon ng guro at magulang( PTA )PARENTS TEACHERS ASSOCIATION. Paminsan minsan may mga karagdagang libro na dapat bayaran.
- May (katei houmon ) Asahan ang pagbisita ng guro sa inyong tahanan,kadalasan sa mga unang buwan ng klase .
- May (jugyou sankan) mga okasyon na iniimbita ang mga magulang upang mag obserba sa silid-aralan at dumalo sa mga pagpupulong.
- (kodomo kai) sa bawat distrito ay may samahan ng mga magulang ng mag-aaral.
- May (risho toban) ito ang nagtatalaga ng oras at lugar kung saan kayo ang gagabay sa pagtawid ng mga mag-aaral.
- Kailangan din ang inyong partisipasyon sa mga ibat-ibang okasyon ( summer festival, Christmas party etc.)
|
|
 |
SELEBRASYON NG KASAL |
- Kadalasan ang seremonya ng kasal ay ginagawa sa isang espesyal na lugar para sa seremonya lamang o kaya naman sa mga magagarbong lugar o hotel kung saan ang seremonya ng kasal at selebrasyon nito ay ginaganap.
- Sa hapon hanggang maging ang istilo ng kasal sa pilipinas ay may ibat-ibang paraan kung papaano ipinagdidiwang ang kasal. Kung anumang klase o kurso ngpreparasyon ng selebrasyon ang desisyon ay nang-gagaling sa mga taong mag-papakasal.
- Ang pangalan ng taong nasa imbitasyon lamang ang dapat dumalo ng selebrasyon ng kasal.(limitado at naka-reserba na ang lugar ng selebrasyon at hindi rin lahat ng miyembro ng pamilya ng ikakasal ay puwedeng dumalo).
- Inaasahan ang pormal na kasuutan.Inaasahan ding huwag magsuot ng puting damit ang mga babaeng imbitado sa kasal ( upang hindi makuha ang atensiyon sa ikakasal)
- ( shuugi) na ang ibig sabihin ay ( magreregalo ng pera , bukal sa kaloobang ibigay.Iabot ang regalo sa tumatanggap ng pera. Kung magkano ang halaga ng ibibigay ,depende sa edad at relasyon sa ikakasal. ( halimbawa kung kaklase mo ang ikakasal nasa halaga ng 30,000 yen) magandang magbigay ng bagong perang papel.
- Kung may bisita na manggagaling pa sa malayong lugar ang kalahati ngpamasaheng nagastos kadalasan ay ibinabalik ng ikakasal o (ng mga magulang ng ikakasal).
- May mga sitwasyon katulad ng (nako-Udo)kung tawagin kung saan ipinag-kakasundo ang babae at lalaki para sa posibleng maikasal ang mga ito. At ang
( Ren-ai- Kekkon)naman kung tawagin kung saan ang dalawang tao ay nagmama- halan. Sa parte ng lalaki kadalasan ang mga taong nasa mataas na posisyon ng kanyang kompanya ang nag-aayos ng kasunduan. Ngayon, karaniwan nangyayari ang kasalan na wala ng padrino.
- Bago ang kasalan ang mga partido ng bawat ikakasal ay magtitipon at magpapa-litan ng regalo pagkakasundo ng dalawang nagmamahalan. ( Yuino) kung tawagin.
( ang lalaki ay maghahandog ng sing-sing sa babae at ang babae ay maghahandog ng relo sa lalaki) ngunit lumalaon ang ganitong tradisyon ay nagiging simple na lamang at nauuwi sa isang pormal na hapunan,at sa ganitong seremonya ang bawat pamilya ng ikakasal ay magpapalitan ng regalo at pagkakataong magkala- gayan ng loob.kadalasan naman ang pamilya ng lalaki ay maghahandog sa babaeng pera bilang regalo at isang bagay simbolo ng suwerte sa mag-asawa.Ito ay isang pribadong pagtitipon ng bawat partido ng ikakasal at duon magkakaroon ng kasunduang “ kami po ay magpapakasal”.
- Dito sa bansang hapon, sa bagong kasal na mag-asawa ang pagtira ng babae sa tahanan ng lalaki at ang pagsunod sa pangalan ng lalaki ay labis pa ring sinusunod.
LIBING
- Ang libing sa hapon ay nahahati sa tatlong sunod-sunod na seremonya.(Tsuya) isang okasyon bago ilibing kung saan ang mga tao ay nagsasama-samang gunitain ang taong lumaon na.( kokubetsu-shiki) pamamaalam ,( Houyou-kayou) “BuddhistMemorial service”.Bawat makikipaglibing ay mag-susuot ng itim o pagluluksang damit.(Mofuku) sa tatlong klase ng seremonya.Kailangangng maging ang “necktie”Ay itim. Ang mga babae ay magsusuot ng simple at pangluksa.Puwede rin silang magsuot ng kuwintas na perlas pero hindi kumikinang.
- Ang may namatayang pamilya ay nagluluksa sa buong taon, at hindi sila pupuwe-deng sumama sa anumang kasiyahan ,nararapat lang na hindi muna mag-hulog o tumanggap ng postcard o (hagaki) na bumabati ng isang masayang selebrasyon at upang maiwasang hindi padalhan ng anumang “card” na bumabati ng masayang selebrasyon dapat agad abisuhan ang mga malalapit na kaibigan atbp.
- Ang( Okoden)ay perang iniaalay sa yumao.Ang halaga ng perang iaalay ay depende sa relasyon mo sa yumao. Simula sa halagang 30,000 yen ang inaalay at iwasang magbigay ng bagong papel na pera.
- Simula pa noong mahabang panahon at mga sinaunang istorya na ang asin ay isang simbolo ng “purity” ,mula sa seremonya ng libing bago umakyat ng bahay ang taong galing sa libing kailangang isa sa maybahay ang sasalubong upang magsaboy ng asin sa buong katawan ng dumating.
- Buong gabi bago ng libing ( tsuya) ang mga kamag-anak o kaibigan ay magsasama- sama upang gunitain ang mga iniwang ala-ala ng yumao.
- At sa araw ng huling pamamaalam sa yumao (kokubetsu shiki)ang mga taong naroroon ay magsisindi ng isang materyal ( incense-burning) sa altar at mag-aalay ng dasal upang magkaroon ng kapayapaan sa kabilang buhay ,at ang labi ay ihahatid sa kanyang huling hantungan.
- Ang ( Hoyo-kuyo) ay ang pag-aalay ng panalangin sa yumao , mayroonng nag-aalaykapag sumapit na ang ikapitong-arawo ika-49 na araw , o kaya naman ay ang100 araw ,ngunit depende ito sa kinagisnan ng iyong bansa o paniniwala ng grupo ng taong iyong kinasasakupan,relihiyon o politika.
|
|
 |
|