Layunin at Balangkas ng I.I.A

Home > Ano ang I.I.A. > Layunin at Balangkas ng I.I.A

Ang Ibaraki International Association (I.I.A.) ang magbubukas ng pinto patungo sa mundo.
 Ang I.I.A, na inilunsad ng Grupong Pagsasa-internasyonal sa Ibaraki, ay itinatag ng pinagsamang administrasyon ng Ibaraki at ng mga residente nito bilang organisasyon para sa pagsasanay sa pakikihalubilong pang-internasyonal (international exchange).
 Ang pakikihalubilong pang-internasyonal o international exchange - ito ang lilikha ng kultura sa isang bagong Ibaraki. Kung kaya’t sa bawa’t uri ng gawain ng I.I.A. ay masiglang tinatahak ang diwang “Ang daigdig ang ating tahanan, ang mundo ang ating kaibigan.”
Mga Layunin ng I.I.A
Maghangad ng disente at pandaigdigang lipunan.
Makipaghalubilo sa mga dayuhan at maghangad ng isang lipunang maaari silang  kasamang mamuhay.
Maghangad ng isang lipunang mapapamuhayan nang maayos ng mga dayuhan.
Tumulong gawing mapayapa at maunlad ang kinabukasan ng daigdig.
Para sa mga detalye ng mga layunin, basahin po ang “pagkakaloob ng donasyon”
Balangkas ng mga programa/gawain ng I.I.A
I. Para sa isang multi-kultural at magiliw na lipunan
 (1)  Pagbibigay ng impormasyon sa mga dayuhan sa iba’t ibang wika.
  Paglalathala sa iba’t-ibang wika ng webpage, living handbook, medical handbook, at mga manual sa panahon ng kalamidad para sa mga dayuhang naninirahan sa Ibaraki. Sa salon ng opisina ng I.I.A ay may lugar kung saan maaaring gamitin ang internet ng libre.
 (2)  Konsultasyon para sa mga dayuhan
 

Ang konsultasyon tungkol sa batas, visa, trabaho, pag-aasawa, edukasyon, at iba pang mga bagay tungkol sa paninirahan sa bansang Hapon ay maaaring gawin sa anim (6) na wika. Maaari ring kumunsulta sa isang abogado. Ang espesyal na konsultasyong ito ay ginaganap dalawang beses isang buwan.

 (3) Pagtataguyod sa pamumuhay ng mga dayuhan
 

Para sa mga dayuhang nais matuto agad ng wikang Hapon, mayroong paraang matutulungan namin kayo para makapag-umpisa kayo ng mga lecture series sa Japanese class at ma-master agad ito.  Sa bawa’t Japanese language class, may ipinadadalang Japanese language education adviser at mayroon ding mga pagsasanay (training) tungkol sa mga pamamaraan ng pagtuturo ng wikang Hapon.
Habang isinasaalang-alang ang mga opinyon ng mga dayuhang residente, at upang mabilis na makalikha ng isang kapaligirang maayos na mamuhay para sa mga dayuhan, nagtutulong-tulong ang administrasyon, mga negosyante, mga pribadong grupo (at iba pa), na makapagdaos ng mga oryentasyon tungkol sa paghahanda sa paligid kapag oras ng kalamidad, at pagbibigay-suporta para makinabang sa mga lugar na pang-medikal.

 (4) Pagpapalaganap ng mabilisang pakikipaghahalubilo ng mga dayuhan at lokal na residente.
 

Upang magkaroon ng pagkakataong magkahalubilo ang mga lokal at dayuhang residente, ang pamahalaang panlalawigan (prefecture) ng Ibaraki, mga pamahalaang lokal ng syudad at ang bawa’t uri ng mga iba’t ibang grupo ay nagtatayo ng mga exhibit tent na maaaring makilala ang bawa’t bansang kalahok at makakapanood ng mga katutubong sayaw ng mga ito, sa mga idinaraos na event (at iba pa)

UMabilis na pag-unlad ng paksang International Exchange and Cooperation Activities sa mga taga-Ibaraki
 (1) Paglilikom at pag-aalok ng kaalama’t balita tungkol sa International Exchange and Cooperation.
  Paglalathala ng newsletter na “FUREAI IBARAKI”, ipinapakilala ang iba’t ibang impormasyong internasyonal at mga gawain ng mga kapisanan/pribadong grupo. Bukod dito matatagpuan din sa homepage ng I.I.A. kasama ng pagbabahagi ng mga pinakabagong impormasyon; ang pagtatayo ng (web)site kung saan pwedeng magpalitan ng impormasyong pang-internasyonal; at mga bagay-bagay (“data”) na may kinalaman sa mga gawaing pang-internasyonal, na ipinakikita sa publiko at bukas para sa lahat. Maaari ring manghiram ng mga koleksyong libro, dokumento. DVD (at iba pa) dito.
 (2) Paghahanap at pagsasanay ng mga tauhan para sa paglulunsad ng International Exchange and Cooperation.
  Inirerehistro namin ang mga interpreter, mga gustong mag-homestay (at iba pa) sa bawa’t boluntaryo, mga dayuhang residente at mga foreign students (at iba pa) na tumatanggap ng responsibilidad para sa mga pang-internasyonal na gawain, at positibo silang nakikipagtulungan sa amin.  Bukod dito, kasama ng pagsasagawa ng iba’t ibang mga workshops, inihanda rin namin ang homepage database search system ng aming mga tauhan.
 (3) Pakikipagtulungan at pagsusuporta sa mga grupong nagsasanay sa international exchange.
 

Upang mapalalim pa ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga grupo o mga syudad, munisipyo, bayan at nayong nagsasanay sa international activities at upang matimbang namin kung gaano karami na ang aming network, nagsasasagawa kami ng pagpapalitan ng impormasyon, workshops (at iba pa). Upang maisakatuparan ng iba’ibang grupo at makatulong maging animo’y modelo ng pagkapinuno, sinusuportahan namin ang mga nagsasanay sa mga gawaing na pang-internasyonal bukod dito, habang nakikipagtulungan sa ODA at NGO,,  sinusuportahan din namin ang mga samahang naglalayong mamahagi ng kontribusyong pang-internasyonal at internasyonal na nakikipagkooperasyon Ipinahihiram namin ang mga training rooms at volunteer rooms namin para sa mga grupong nagsasanay sa pakikipagtulungan sa International Exchange.

VPagpapabilis ng pagkakaunawaang pang-internasyonal at patungo sa paghubog ng katauhan ng mga nilalang para sa internasyonalisasyon.
 (1) Paghahanda ng isasakatuparang sistema ng mga gawain para sa paglulunsad  internasyonal na pagkakaunawaan
  Habang nakikipagkooperasyon sa prepektura (prefecture) o sa mga may kinalamang samahan, naghahanap at nagsasanay kami ng mga tauhang estudyanteng dayuhan, mga dayuhang residente, mga facilitators (at iba pa), na maaaring makatulong sa pagtaguyod ng internasyonal na pagkakaunawaan.  Bukod dito, upang maging maganda ang resulta ng pagsasakatuparan ng gawaing ito, nag-iipon kami ng mga katutubong damit, handicrafts, bandila (at iba pa), na maaaring gamitin sa pagtuturo.
 (2) Pag-aalok ng pagkakataon sa maraming kultura kasama ang tunay na lipunan upang palalimin ang pag-unawa sa isa’t-isa
  Habang kasama nating namumuhay ang mga taong may iba’t-ibang kultura, sana’y di magdulot ng di pagkakaunawaan o gulo; at para mapalalim ang pag-uunawa sa isa’t-isa, nagpapadala kami ng mga dayuhang guro sa mga nag-aaral ng internasyonal na pag-unawa ng ginaganap sa mga eskwelahan at mga gusaling may kinalaman sa mga Handicap Learning Centers; at naghahandog ng pagkakataon upang mapagbuti ang Japanese Speech Contest at ang mga pagsasanay ng internasyonal na pag-unawa at internasyonal na pagkakakilanlan.
 (3) Pag-aalok ng pagkakataon upang mapalalim pa ang pag-unawa sa internasyonal na pagtutulungan.
 

Upang palalimin ang pag-unawa tungkol isyu ng kahalagahan ng pagsuporta sa mga developing countries (at iba pa), palawakin ang pananaw sa mundo para makalikha ng kamalayan sa kontribusyong pang-internasyonal, bilang isang mamamayan ng mundo, nagsasagawa kami ng mga kursong may kinalaman sa internasyonal na pagtutulungan at nagpapadala ng mga gawain sa ibayong dagat.

 (4) Pakiramdaman, hubugin‐direksiyon patungo sa masaganang pang‐internasyonal
 

Upang palalimin ang pag‐unawa sa lipunan pang‐internasyonal, ang pagtuturo sa kurso ng ibat‐ibang uri ng kultura, paghubog ng katauhan ng bawat isa ay nagsisilbing malaking parte at naglilikha patungo sa masaganang pang‐internasyonal.

Balangkas ng I.I.A.
1.Lokasyon ng opisina Ibaraki International Association
The Hirosawa City Kaikan Annex 2F 745 Senba-cho, Ushirokawa, Mito-shi, Ibaraki-ken 310-0851 (Para sa mapa, tingnan po dito)

Tel. No.:029-241-1611(Opisina)/029-244-3811 (Gaikokujin Soudan Center) (Senter para sa konsulta ng mga dayuhan)
FAX:029-241-7611
E-mail:iia@ia-ibaraki.or.jp
2.Business hours Lunes hanggang Biyernes, Mula alas-8:30 ng umaga hanggang 5:15 ng hapon.
3.Itinatag noong a-uno ng Oktubre 1990
4.Tagapamahala sa Ibaraki Ibaraki Prefecture Life Environment Division International Section
 
5.Pinakamataas na pinuno

Pinakamataas na pinuno: Ibaraki Governor Kazuhiko Oigawa

Punong Direktor:  Hirofumi Nemoto

Direktor: 24 katao

Inspektor2 katao

Konsehal25 katao


TOP